Sa unang araw ng eskwela, punong puno ng takot ang
nararamdaman ko dahil sa paninibago sa kaklase at sa skul na aking
kinagagalawan. Lagi lang akong kinakabahan at parang sinasabi na sumuko na
lang, at huwag ng pumasok. Sa pagdaan ng
maraming araw, pilit ko itong nilalabanan, kahit buhay mag-isa at wala pang
kakilala. Sino nga bang mag aakala na ang taong lumaki sa bukid ay nandito na
din bayan? Swerte ko nga, kasi sa dinami-rami ng kabataan na nasa lugar namin,
isa ako sa mga binigyan ng pag kakataon upang manirahan, at makapag aral dito
sa bayan. Kaka-panibago di ba?
Ang bawat araw ko ay gumagalaw lang sa skul tapus uwi agad
sa bahay. Ngunit may isang programa na inilabas ang aming dekana na nagbigay ng
isang opurtunidad sa katulad ko ito ay ang "Sabayang Pagbigkas" Lubos
akong nagalak dahil isa ako sa napili sa dami naming nag audition na nang
galing sa ibat ibang seksyon. Sa pag eensayo namin nakilala ko ang iba pang mga
kasapi. Hindi maipaliwanag ang galak na nararamdaman ko, halos tumalon ako sa
tuwa at lubos ang pasasalamat ko kay God. Kahit sobrang hirap at pagod ang
nararamdaman ko sa araw araw, kahit maubusan ng boses, umuwi ng mag-isa kahit
gabi na, ndi ko ininda ang lahat ng iyon. At mas lalo kaming nahirapan dahil
kapwa estudyante lang ang nag tuturo sa amin, pero ndi pa din kami nawalan ng
pag-asa. At sa pag peperform, buong
lakas ang aming ibinigay, inisip ko na lang ang lahat ng sakripisyo para sa laban na yun. At Dahil din, napili
ang aming Departamento. Sobrang saya sa pakiramdam na nagkaron ako ng kaibigan,
at muling makilala ang sarili ko.
Pero may pagkakataon talaga na sumubok sa aking kakayahan.
Ito na siguro ang kahinaan ko, ang Sabdyek na Mathematics. Hindi ko alam sa
sarili ko kung bakit hindi ko ito mautunan. Ang baba ng tingin ko sa sarili ko,
nakakapanlumo, nakakapang hina. Dumating sa pagkakataon na gusto ko ng bumitaw,
at tapusin ang magaganda kong mga pangarap. Sobrang sakit sa pakiramdam na
tuwing dadating ang resulta ng eksam ako ung pinaka mababa. Nakaka-inggit, ang
mga mukha nilang masasaya at puno ng galak. Dahil sa pagkakataong yun,
tumatahimik na lang ako at tumalikod na kasabay ang pag patak ng
aking mga luha.Sa muli kong
pag harap naka ngiti akong haharap at sasabihing,
“Grabe ang
taas ko, ginagamit ko ba utak ko, nag aaral ba ako?” Sabay tanong sa
sarili ko, ganito na ba ako kahina? Bawat gabing dumadaan, umiiyak na lang ako,
gusto ko laging mag-isa, iwasan ang mga kaibigan at maging ang pamilya. Gusto
kong tumigil para walang problema, para ndi na ako laging umiiyak. Galit na
galit ako sa sarili ko. Wala na akong mapang hawakan. Hindi ko na alam kung
sino ang dapat kong pag katiwalaan, pamilya ngunit malayo sa piling ko.
Kaibigan, ngunit hindi ko naman kilala ang kanilang personalidad. Sabi ko. “hindi naman nila ako
mauunawaan, bakit kailangang sabihin ko pa sa kanila” sasabihin lang nila na
huwag sumuko, pero sa pag kakataong yun halos hindi ko na din makilala ang
sarili ko.
Sa araw araw kong pag-iwas sa kaibigan, ramdam
kong lumalayo na din sila, Siguro dahil suko na din silang unawain ang ugali
ko. Sa paulit ulit na pangyayare, naisipan kong sumali sa isang sayaw, sa aming
paaralan, sa Batangas State University at yun ay ang tinatawag nilang “Dance
Company”. Dahil buhay ko na ang pag sasayaw simula elememtarya nag audition
ako. Sumayaw ako ng walang Praktis sa pag aakalang kaya ko naman, Pero dun ako
nag kamali. Hindi ako natanggap at muli na naman akong nasaktan. Talaga bang
kailangang ilayo ang lahat ng gusto ko? Maaaring ndi talaga ako dun nararapat.
Isa
pa sa naka panlumo sa damdamin ko ay ang aming pamilya. Tuwing umuuwi ako sa
Lobo, isa lang tinatanong ng tatay ko, asan si Nene? Uuwi ga siya? Sakit, sa
pagaakalang kong matutuwa sila dahil dumating ako.
Dumating pa ang araw na umuwi ang tatay ko ng lasing, nakaupo siya sa may harap
ko at biglang tumawag, “nasaan ang mahal kong anak, si Nene at si marjhun at
kahit anung mangyare, patatapusin ko sila, Mahal na Mahal ko ang dalawang yan”
bigla na lang akong napatindig at nag punta sa kwarto, kunwari ay may kukunin.
Ngunit biglang sumunod ang aking ina at sinabing, “hayaan mo na, lasing lang
yun”. Ndi na lang ako umimik, at biglang napaiyak. Ano ba pagkakaiba namin? Ano
meron sa kanila na wala ako? Akala ko, ako yung paborito dahil ako ang bunso,
ngunit hindi pala. Ang sakit sakit kapag sa mismo ng Ama nagmula. Kaya ko pang
tanggapin ang pamamalo, ang pagmumura, pero ang ganung salita sobrang sakit na.
Natatandaan ko pa nuon nung sekondarya ako lumalaban ako sa United Nation, Miss
Nutrition, Miss Foundation at kung anu-ano pa, pero ni minsan ndi ko naramdaman
ang suporta ng tatay ko, nag aaksaya lang daw ako ng pera. Pero ginawa kung
lampasan yun dahil ginawa ko yun para na rin sa aking ina. Sumuko na din ako,
dahil kahit anong gawin ko mali sa paningin ng tatay ko. Ang buhay nga naman ay
hindi perpekto.
Lahat ng ito ang nakaka apekto sa pg aaral ko.
Lungkot ng buhay, Pero naalala ko ang laging sinasabi ng kaibigan ko, “Hindi
yan ibibigay ng diyos sayo kung hindi mo kaya, Huwag kang mawalan ng pag asa,
may magandang plano si god para sayo”. Ang salitang yun ang lagi kong
isinasaisip. Ang kabiguan ay ng kalakasan ko, kaya maswerte ako dahil
nalalampasan ko yun. Dumadaan ang ilang araw, linggo, at buwan na lagi akong
nasa Lyceum dahil meron dung grupo na tinatawag na Christ’s youth in
Action(CYA). Unti unting bumabalik ang dating ako, hindi na ko na kailangang
takasan ang problema ng kailangan ko ay ang sulosyon. Mula sa pag aaral,
tanggapin kung hanggang saan lang kaya, andyan lang ang kaibigan na kahit
minsan hindi ako tinalikudan ang Bandance o GMFJ-o4 at madami pang iba. Ang
sayaw na madami pang pagkakataon upang makasali at pamilya, hindi man mag
kasundo ngunit andyan pa din ang mga kapatid upang mag silbing ama sa
akin.Biglang nag karoon ng maganda at tuwid na daan ang buhay ko patungo sa
aking kinabukasan.
At ako
bilang si Friendly Joy Garzon Delen ang balang araw ay isang ganap at mahusay
na guro. Nasa unahan ng isang kwarto, hawak ang panulat at kasama ang mga bata
upang turuan. Isang matatag na guro at may takot sa diyos.
Casino Hotel Reno - MapYRO
TumugonBurahinCompare reviews, 아산 출장샵 photos 부천 출장안마 & ratings of the Casino Hotel 진주 출장샵 Reno in Reno, NV. Find the nearest casinos with 하남 출장샵 real time driving directions 고양 출장마사지 and get directions
Woori Casino Review - Online slots from PlayTech
TumugonBurahinWoori casino is an online https://octcasino.com/ casino that febcasino.com offers novcasino games from Playtech. View หาเงินออนไลน์ the latest woori 토토 사이트 홍보 casino review for real money here.