Lunes, Setyembre 8, 2014

MGA PAGSUBOK BILANG ESTUDYANTE

MGA PAGSUBOK BILANG ESTUDYANTE      


Sa unang araw ng eskwela, punong puno ng takot ang nararamdaman ko dahil sa paninibago sa kaklase at sa skul na aking kinagagalawan. Lagi lang akong kinakabahan at parang sinasabi na sumuko na lang, at huwag ng pumasok. Sa  pagdaan ng maraming araw, pilit ko itong nilalabanan, kahit buhay mag-isa at wala pang kakilala. Sino nga bang mag aakala na ang taong lumaki sa bukid ay nandito na din bayan? Swerte ko nga, kasi sa dinami-rami ng kabataan na nasa lugar namin, isa ako sa mga binigyan ng pag kakataon upang manirahan, at makapag aral dito sa bayan. Kaka-panibago di ba?




Ang bawat araw ko ay gumagalaw lang sa skul tapus uwi agad sa bahay. Ngunit may isang programa na inilabas ang aming dekana na nagbigay ng isang opurtunidad sa katulad ko ito ay ang "Sabayang Pagbigkas" Lubos akong nagalak dahil isa ako sa napili sa dami naming nag audition na nang galing sa ibat ibang seksyon. Sa pag eensayo namin nakilala ko ang iba pang mga kasapi. Hindi maipaliwanag ang galak na nararamdaman ko, halos tumalon ako sa tuwa at lubos ang pasasalamat ko kay God. Kahit sobrang hirap at pagod ang nararamdaman ko sa araw araw, kahit maubusan ng boses, umuwi ng mag-isa kahit gabi na, ndi ko ininda ang lahat ng iyon. At mas lalo kaming nahirapan dahil kapwa estudyante lang ang nag tuturo sa amin, pero ndi pa din kami nawalan ng pag-asa.  At sa pag peperform, buong lakas ang aming ibinigay, inisip ko na lang ang lahat ng sakripisyo  para sa laban na yun. At Dahil din, napili ang aming Departamento. Sobrang saya sa pakiramdam na nagkaron ako ng kaibigan, at muling makilala ang sarili ko. 


Pero may pagkakataon talaga na sumubok sa aking kakayahan. Ito na siguro ang kahinaan ko, ang Sabdyek na Mathematics. Hindi ko alam sa sarili ko kung bakit hindi ko ito mautunan. Ang baba ng tingin ko sa sarili ko, nakakapanlumo, nakakapang hina. Dumating sa pagkakataon na gusto ko ng bumitaw, at tapusin ang magaganda kong mga pangarap. Sobrang sakit sa pakiramdam na tuwing dadating ang resulta ng eksam ako ung pinaka mababa. Nakaka-inggit, ang mga mukha nilang masasaya at puno ng galak. Dahil sa pagkakataong yun, tumatahimik  na lang  ako at tumalikod na kasabay ang pag patak ng aking mga luha.Sa muli kong pag harap naka ngiti akong haharap at sasabihing,
“Grabe ang taas ko, ginagamit ko ba utak ko, nag aaral ba ako?” Sabay tanong sa sarili ko, ganito na ba ako kahina? Bawat gabing dumadaan, umiiyak na lang ako, gusto ko laging mag-isa, iwasan ang mga kaibigan at maging ang pamilya. Gusto kong tumigil para walang problema, para ndi na ako laging umiiyak. Galit na galit ako sa sarili ko. Wala na akong mapang hawakan. Hindi ko na alam kung sino ang dapat kong pag katiwalaan, pamilya ngunit malayo sa piling ko. Kaibigan, ngunit hindi ko naman kilala ang kanilang personalidad. Sabi ko. “hindi naman nila ako mauunawaan, bakit kailangang sabihin ko pa sa kanila” sasabihin lang nila na huwag sumuko, pero sa pag kakataong yun halos hindi ko na din makilala ang sarili ko.
Sa araw araw kong pag-iwas sa kaibigan, ramdam kong lumalayo na din sila, Siguro dahil suko na din silang unawain ang ugali ko. Sa paulit ulit na pangyayare, naisipan kong sumali sa isang sayaw, sa aming paaralan, sa Batangas State University at yun ay ang tinatawag nilang “Dance Company”. Dahil buhay ko na ang pag sasayaw simula elememtarya nag audition ako. Sumayaw ako ng walang Praktis sa pag aakalang kaya ko naman, Pero dun ako nag kamali. Hindi ako natanggap at muli na naman akong nasaktan. Talaga bang kailangang ilayo ang lahat ng gusto ko? Maaaring ndi talaga ako dun nararapat. 
Isa pa sa naka panlumo sa damdamin ko ay ang aming pamilya. Tuwing umuuwi ako sa Lobo, isa lang tinatanong ng tatay ko, asan si Nene? Uuwi ga siya? Sakit, sa 
pagaakalang kong matutuwa sila dahil dumating ako. Dumating pa ang araw na umuwi ang tatay ko ng lasing, nakaupo siya sa may harap ko at biglang tumawag, “nasaan ang mahal kong anak, si Nene at si marjhun at kahit anung mangyare, patatapusin ko sila, Mahal na Mahal ko ang dalawang yan” bigla na lang akong napatindig at nag punta sa kwarto, kunwari ay may kukunin. Ngunit biglang sumunod ang aking ina at sinabing, “hayaan mo na, lasing lang yun”. Ndi na lang ako umimik, at biglang napaiyak. Ano ba pagkakaiba namin? Ano meron sa kanila na wala ako? Akala ko, ako yung paborito dahil ako ang bunso, ngunit hindi pala. Ang sakit sakit kapag sa mismo ng Ama nagmula. Kaya ko pang tanggapin ang pamamalo, ang pagmumura, pero ang ganung salita sobrang sakit na. Natatandaan ko pa nuon nung sekondarya ako lumalaban ako sa United Nation, Miss Nutrition, Miss Foundation at kung anu-ano pa, pero ni minsan ndi ko naramdaman ang suporta ng tatay ko, nag aaksaya lang daw ako ng pera. Pero ginawa kung lampasan yun dahil ginawa ko yun para na rin sa aking ina. Sumuko na din ako, dahil kahit anong gawin ko mali sa paningin ng tatay ko. Ang buhay nga naman ay hindi perpekto.
 

Lahat ng ito ang nakaka apekto sa pg aaral ko. Lungkot ng buhay, Pero naalala ko ang laging sinasabi ng kaibigan ko, “Hindi yan ibibigay ng diyos sayo kung hindi mo kaya, Huwag kang mawalan ng pag asa, may magandang plano si god para sayo”. Ang salitang yun ang lagi kong isinasaisip. Ang kabiguan ay ng kalakasan ko, kaya maswerte ako dahil nalalampasan ko yun. Dumadaan ang ilang araw, linggo, at buwan na lagi akong nasa Lyceum dahil meron dung grupo na tinatawag na Christ’s youth in Action(CYA). Unti unting bumabalik ang dating ako, hindi na ko na kailangang takasan ang problema ng kailangan ko ay ang sulosyon. Mula sa pag aaral, tanggapin kung hanggang saan lang kaya, andyan lang ang kaibigan na kahit minsan hindi ako tinalikudan ang Bandance o GMFJ-o4 at madami pang iba. Ang sayaw na madami pang pagkakataon upang makasali at pamilya, hindi man mag kasundo ngunit andyan pa din ang mga kapatid upang mag silbing ama sa akin.Biglang nag karoon ng maganda at tuwid na daan ang buhay ko patungo sa aking kinabukasan.
 At ako bilang si Friendly Joy Garzon Delen ang balang araw ay isang ganap at mahusay na guro. Nasa unahan ng isang kwarto, hawak ang panulat at kasama ang mga bata upang turuan. Isang matatag na guro at may takot sa diyos.